ILOILO CITY- Kinumpirma ng otoridad sa Mississippi ,USA na matagal nang may sakit sa pag-iisipang gunman sa nangyaring mass shooting na ikinasawi ng anom na tao.
Ang suspek ay si Richard Dale Crum, 52.
Ayon kay Bombo Sonia Provido Short, Bombo International Correspondent sa Mississippi,inilarawan ng mga nakakakilala kay Crum na wala ito sa kanyang katinuan buong buhay niya at itinuturing na person with disability at sumasailalim din sa medikasyon upang makontrol ang kanyang sakit.
Napag-alaman na nangyari ang mass shooting sa bayan ng Arkabutla, Tate County, Mississippi.
Kabilang sa mga namatay ay ang dating asawa ng suspek, ang kanyang stepfather at stepsister.
Si Crum ay nakakulong na at una nang nasampahan ng kasong first-degree murder at maaari pang madagdagan ang mga kasong kakaharapin nito.