Inilarawan ni Haiti ambassador to US Bocchit Edmond na mga professional foreign mercenaries ang mga assassin na pumaslang kay Haiti President Jovenel Moise.
Ayon pa sa opisyal, mayroon aniya silang hawak na video sa nangyaring assassination sa pangulo ng Haiti kung saan nag-uusap umano ang mga gunmen sa linggwaheng English at Spanish na nagpanggap umano bilang agents ng US Drug Enforcement Administration (DEA) nang pasukin nila ang gwardiyadong residence ng pangulo.
Posible din aniya na nilisan na rin ng mga ito ang bansa.
Pinamunuan ni Moise ang Haiti na itinuturing na pinakamahirap na bansa sa Americas kung saan maliban sa kaguluhan sa politika, dumarami rin ang nagaganap na kidnap for ransom sa nakalipas na buwan na nagdulot ng lumalawak na impluwensiya ng mga armadong gang group at humanitarian crisis sa bansa.
Nito lamang Miyerkules nang lusubin ng mga assassin ang private residence ng pangulo na ikinasawi nito at asawa nito na nasa kritikal ang kondisyon.