-- Advertisements --

Kakasuhan ng bandang Guns N’ Roses ang isang online gun store dahil sa paggamit ng kanilang pangalan.

Sa reklamong inihain sa Los Angeles na hindi makatarungan ang paggamit ng online gun store na Texas Guns and Roses.

Ayaw kasi ng banda na madawit ang pangalan nila sa mga armas at anumang uri ng karahasan.

Inabisuhan na ng korte ang may-ari ng establishimento na Jersey Village Florist LLC .

Ang banda ay nabuo noong 1984 na isa sa pinakamatagumpay na banda mundo na pinangungunahan ng lead vocalist nila na si Axl Rose, Saul “Slash” Hudson at Michael “Duff ” McKagan.