-- Advertisements --

Pansamantalang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang kasamahan ng pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na sina Sheila ang kapatid nito at si Lucky South 99 incorporator Cassandra Li Ong.

Pagdating ng dalawa sa bansa mula ng maaresto ang mga ito sa Indonesia ay dinala muna ang mga ito sa Burea of Immigration para sa ilang procedure.

Matapos nito ay dinala na ang dalawa sa NBI office sa lungsod ng Quezon nitong gabi ng Huwebes.

Si Sheila Guo ay nakatakdang dalhin sa Senado habang si Ong ay sa House of Representatives base na rin sa kanilang mga warrants.

Magugunitang naaresto ng mga otoridad sa Indonesia sa isang mall doon noong Agosto 20.