-- Advertisements --

Walang pagkabahala at handa na umano humarap sa senado si dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Nicole Jamilla, na kanilang nabigyan na ng mga impormasyon ukol sa ilang detalye noong nakaraang hearing kung saan hindi siya sumipot.

Dagdag pa ng abogado, na kanilang nabigyan ng update ang dating alkalde at kung ano ang maaaring isyu na kaniyang kakaharapin.

Pagtitiyak din nito nakalatag na ang mga seguridad ni Guo para sa Senate hearing.

Wala din itong pag-aalinlangan dahil sa alam niyang nakatuon ang kapulisan para magbigay ito ng seguridad sa kaniya.