-- Advertisements --

Nagkaroon umano ng suspected lung infection si dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni PNP spokesperson Col.Jean Fajardo, ito ang lumabas sa kanilang medical examination nitong araw ng Lunes.

Dagdag pa ni Fajardo na noong una nilang isinailalim sa medical exam si Guo nitong Biyernes ay walang nakitang sakit ang doktor.

Malaki ang paniniwala nito na maaring nitong weekend ay nagkaroon ng infection habang na sa PNP Custodial Center.

Nagkaroon ito ng kaunting pag-ubo bago ito dalhin sa Pasig City Jail.

Ipapasakamay na lamang nila sa Pasig City Bureau of Jail Management and Penology ang pagsasailalim sa ibang medical procedure si Guo.

Nilinaw naman ni BJMP spokesperson Col. Jayrex Bustinera na nagnegatibo naman sa COVID si Guo kaya hindi na kailangan ito na mag-isolate.

Makakasama ni Guo sa kulungan ang 43 na ibang inmates sa Pasig City Jail.