Ipinag-utos ni Senate committee on women, children, family relations and gender equality chairman Senator Sherwin Gatchalian ang pagpapalabas ng subpoena para obligahin si dating Bamban Mayor Alice Guo na maglabas ng mga records ukol sa nadiskubreng check disbursements na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon mula sa kaniyang account.
Dagdag pa ni Gatchalian na hindi maipaliwanag ni Guo sa check disbursement mula 2018 hanggang 2024 kung ang nasabing halaga ay ginamit sa pagpapagawa ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sa nasabing pagdinig ay makailang iginiit ni Guo na ang nasabing halaga ay ginamit sa pagpapagawa ng kaniyang farm.
Hindi rin aniya masabi ni Guo kung saan nanggaling at napunta ang pera.
Tiniyak naman sa kaniya ni Guo na kaniyang ibibigay ang record na hinahanap ng committee at hindi na niya ito masasagot sa pagdinig dahil sa nahaharap na ito sa kaso sa Anti Money Laundering Committee na 87 counts ng money laundering.