CENTRAL MINDANAO – Dinakip ng mga otoridad ang isang guro dahil sa kaso ng pananakit ng bata sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang suspek na si Gerlie Lumbay Villagonzalo, 38, may asawa, guro ng New Consolacion Elementary School at Purok 1, Barangay Calunasan, M’lang, North Cotabato.
Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Tabaosares ng RTC 12, Branch 16, Kabacan, North Cotabato na may petsang July 24, 2019.
Ang guro ay may kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o violation of slight physical injuries sa ilalim ng article 266 ng Revised Penal Code.
Isang bata umano ang sinampal ni Villagonzalo kaya sinampahan siya ng kaso ng mga magulang nito.
Nakapiit ngayon ang suspek sa custodial facility ng Mlang PNP at nakatakdang magpiyansa sa kinahaharap nitong kaso.