-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi lang si Bishop Colin Bagaforo ng Diocese of Kidapawan ang naging biktima ng mga scammer pati na din si Cardinal Luis Antonio Tagle kayat marapat lamang na imbestigahan na ang responsable sa paggamit sa pangalan ng mga pari.

Ito ang sinabi ni Bishop Bagaforo na kanya nang naibigay sa mga abogado sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang pag-akyat ng kaso laban sa guro na hawak ngayon ng pulisya.

Itoy matapos ginamit ng nagpakilalang Doris Dee Pamplona 52-anyos ng Pagalungan Elementary School sa bayan ng Polomolok abg oabgakab bg bishop.

Nahuli si Pamplona matapos ginamit ang Facebook account ni Bishop Bagaforo at humingi ng tabernacle sa negosyante na si Lalaine Suhanda may-ari ng isang hotel didto sa lungsod na nagkahalaga ng P218,000.

Sinabi din ni Bagaforo na ginamit na noon ang kanyang pangalan sa nagpakilalang Fr. Allen Lagura matapos nag-solicit ng monstrance na nagkahalaga ng P50,000 sa kanyang kaibigan.

Ayon kay Bagaforo may network ang suspek at ang kanyang pamangkin na magpakilalang pari.