-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang guro at tatlo nitong menor de edad na anak matapos na hindi makalabas sa nasunog na bahay sa Pagdugue, Dumangas, Iloilo.

Ang ina ay si Rhea Padios at ang tatlo nitong mga anak ay edad 3, 6 at pitong taong gulang.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Joeven Arevalo, hepe ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na patuloy pa na inaalam ang sanhi ng nasunog na bahay na gawa sa light materials.

Ayon kay Arevalo, ang mag-iina lang ang nasa bahay dahil nagtatrabaho sa Maynila ang mister ng nasabing guro.