-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang malalimang imbestigasyon upang malaman ang motibo at pagkakilanlan sa suspek sa pamamaril kahapon sa alas 6:00 ng buntag sa may Crossing Cuevas, Trento, Agusan del Sur na kumitil sa buhat ng isang guro.

Nakilala ang biktima na si Carl Anthony Espinosa Tejones, 32-anyos na residente sa P-14 Algon, Trento, Agusan del Sur na isang guro sa Novele National High School, Brgy. Novele, Rosario, Agusan del Sur.

Sa impormasyong nakuha galing sa pulisya, sakay sa isang ALMERA Nissan na may plate number LAJ 1774 ang biktima nang ito ay binaril sa hindi nakilalang suspek. Base sa nakasaksi, may nakasagutan umano ang biktima bago naganap ang pamamaril.

May tama sa le-eg ang biktima na dinala sa Valentina Galido Plaza Memorial Hospital ngunit dineklarang Dead on arrival ng attending physician.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, iniwanan ng suspek ang sinakyan nitong single motor kulay itim sa hindi kalayuan sa pinangyarihan na siyang ginamit sa pagtakas sa hindi matukoy na direksiyon.