-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tangkang pagpatay ng isang Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa live in partner na guro sa Banisilan, North Cotabato.

Ayon sa report, nakipaghiwalay na ang biktimang si Joy Daguhoy sa kinakasamang si Randy Chris Ymana, isang CAFGU ng 38th Infantry Battalion, Philippine Army.

Napag-alamang pinag-agawan ng magkarelasyon ang kanilang anak matapos mag-away at nagdesisyon umano ang biktima na hindi na makipagbalikan sa suspek.

Mabuti na lamang umano at nailigtas ang biktima at agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng pulisya si Ymana.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso ang tumakas na suspek.