-- Advertisements --
LA UNION – Kinasuhan na ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang 40-anyos na public school teacher matapos mahuli ng mga otoridad sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. San Nicolas East, Agoo, La Union, noong Miyerkules, June 2.
Nakilala ang suspek na si Reginald Laroco at residente ng Brgy. San Juan, Agoo, La Union.
Nakumpiska mula kay Laroco ang 0.5 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P3,400.00 pesos, kabilang ang P1,000 peso bill na buy-bust money, 1 unit ng cellphone at mga drug paraphernalia.
Ang suspek ay nakakulong sa Agoo Police Station kabilang ang mga kinumpiskang ebidensiya matapos isailalim sa inquest proceeding dahil sa paglabag sa Sec. 5 at 12 sa Art. II ng RA 9165.