DAVAO CITY – Pursigido ang kapulisan na sampahan ng kaso ang isang guro na nag-“bomb joke†sa isang restaurant sa San Pedro Street, lungsod ng Davao.
Kinilala ng San Pedro Police ang suspek na si Marilou Abunda, 25, dalaga at residente ng Tarragona, Davao Oriental na kasalukuyang naninirahan sa Buhangin district sa siyudad.
Una rito, papasok sa nasabing kainan si Abunda ngunit nang nagsagawa ng inspection ang guardiya ay bigla na lamang nitong sinabi na may “bomba†ang guro na naging dahilan sa pagka-panic ng iba pang mga customer.
Kaagad na tumawag ng otoridad ang nagmamay-ari ng restaurant at inaresto ang naturang guro.
Nagpaalala na lamang ngayon ang kapulisan na hindi gagamitin sa biro ang salitang ‘bomba’ dahil ito ang maging dahilan ng pagka-alarma lalo na sa pampublikong lugar.
Aabot sa P40,000 na multa ang sinumang lalabag sa Presidential Decree 1727 o mas nakilalang “Anti-Bomb Joke Law.”