-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nakalabas na sa himpilan ng pulisya ang guro na nagpakilalang si Bishop Colin Bagaforo ng Kidapawan Diocese na naghihingi ng pera sa isang negosyante sa General Santos City.

Itoy matapos nagpalabas ng release order si RTC 37 Executive Judge Panambulan Membiza para kay Doris Pamplona 54, matapos naglagak ng piyansang P20,000.

Matatandaang hinuli si Pamplona sa kanyang silid sa Pagalungan Elementary School sa Polomolok South Cotabato matapos hiningian ng P218,000 ang negoyanteng si Lalaine Suhanda nagmay-ari ng isang hotel at ibang negosyao sa lungsod para pambili umano ng tabernacle.

Kaibigan ni Bishop Bagaforo ang negosyante kayat nagbigay kaagad ng cash.

Nabisto lamang ang guro ng ginamit ang kanyang ID sa pag-withdraw sa bangko kayat natukoy ito ng mga otoridad.

Matatandaang sinabi ni JanRey Discarten ang spokesperson ng Pagalungan Elementary School na magpalabas sila ng pahayag sa pagkahuli sa isa sa kanilang guro sa loob mismo ng kanilang paaralan.