-- Advertisements --

Umani ng iba’t’-ibang  reaksyon online ang video ng isang guro sa lalawigan ng Batanes matapos ang walang takot nitong pag-akyat sa flagpole para maglagay ng tali.

Kinilala ang guro na si Carol Figuro na umakyat sa flagpole ng walang harness  safety gear.

Makikita sa video na nasa kanyang baywang ang isang asul na tali at nang dumating ito sa dulo ay saka nito inilagay ang dulo ng tali sa maliit na butas ng flagpole.

Manghang-mangha naman ang kanyang mga kapwa guro at netizen sa  climbing skills ng guro.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 8.7 million views, 62,000 reactions,474 comments at 35,300 shares.

Ang probinsya ng Batanes ay matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng bansa habang kilala rin ito sa pagiging payapang lugar.