-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagbigti-patay ng isang guro ng Alternative Learning System (ALS) sa Banga, South Cotabato sa di pa malamang kadahilanan.

Ito ang kinumpirma ni Brgy.Sta. Cruz Chairwoman Nimfa Tumilap sa eksklusibong panayam ng bombo radyo Koronadal.

Kinilala ang biktima na si Daniel Bravante,38 anyos, may asawa at residente ng Purok Bayanihan, Sta. Cruz, Koronadal City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakita ng asawa nito si Bravante na nakalambitin sa isang sulok sa loob ng kusina gamit ang isang sinturon na wala ng buhay.

Agad namang sinugod ito sa pinakamalapit na bahay pagamutan ngunit ideneklara ito Dead-on-arrival.

Sa ngayon patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagkitil nito sa sarili niyang buhay at kung may foul play sa pagkamatay nito.

Dagdag pa ni Tumilap , hindi ito makapaniwala kung depression lang ang kadahilanan ng biktima dahil sa masayahin naman raw ito.