-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang guro matapos pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Marilou Lagaya, 48-anyos, residente ng Sitio Masigasig, Brgy. Montecillo sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na habang sakay sa motorsiklo na minamaneho ng pinsan nito mula sa Manggalang 1 Elementary School papunta sa naturang lugar ng pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Lagaya na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang fired bullet at pitong piraso ng fired cartridge cases ng caliber .45 pistol.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pagtukoy sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek na agad na tumakas matapos ang nasabing krimen.