BAGUIO CITY – Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang identity ng suspek at motibo nito sa pagpatay sa isang guro sa Bangued, Abra.
Nakilala ang biktimang si Rodelio Claor, 41-anyos, residente ng San Gregorio, La Paz, Abra.
Batay sa imbestigasyon, nagpapagupit ang biktima nang pumasok sa barber shop ang suspek na naka-facemask at bilang binaril ng isang beses ang biktima sa ulo.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo pagkatapos ng insidente.
Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Ayon sa pulisya, tinitignan nilang motibo sa krimen ang awayan sa lupa at love triangle.
Samantala, mariing kinodena ng mga netizens ang krimen kung saan sinabi nilang mabuting tao ang biktima at napaka-dedicated nito sa kanyang trabaho bilang guro ng Marc Ysrael B. Bernos Memorial National High School sa La Paz, Abra.
Umaasa ang mga ito na hindi madadagdag ang kaso ni Claor sa maraming “unsolved cases” sa Abra.