BUTUAN CITY – Patay na ng marekober sa sapa ang gurong si Junard Caberte Saguidon sa Sitio Balobo, Purok 5, Brgy. Bunaguit, Esperanza, Agusan del Sur matapos tumaob ang sinasakyan nilang gakit dahil sa flashfloods.
Sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PSgt Randy de Ocampo, officer-in-charge o OIC-designate ng Esperanza Municipal Police Station, sakay sa gakit nitong Huwebes ng alas-singko ng hapon ang guro kasama ang apat nitong mga kasamahan at isang bata pati na ang motorsiklo habang patawid na sana sa sapa ng Brgy. Salug sa nasabing bayan.
Bigla na lang rumaragasa ang tubig-baha mula sa bundok sanhi ng pagtaob ng gakit kungsaan nadala sa agos ng tubig si Saguidon habang nailigtas naman ang iba nitong mga kasamahan.
Napag-alamang mula pa ang mga biktima sa Guibonon Elementary School at pauwi na sana nang maganap ang insidente.