-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Inilagay na sa floating status ang isang lalaking guro sa isang elementarya sa lungsod ng Bacolod kasunod ng akusasyon na minolestiya nito ang 16 na lalaking estudyante.

Sa panayam kay Normie Canja, pricincipal ng JR Torres Elementary School, kinumpirma nito na Pebrero 15 ng inilagay muna sa division office si Celino Labtic kasunod ng akusasyon.

Nalaman lamang ang insidente nang mapansin ng ibang guro na pinapabalik pa ni Labtic ang mga estudyante nito kahit na tapos na ang class hours dahil sa may pinapagawa pa itong assignment o hindi kaya ay project.

Nang inusisa ang mga estudyante, ipinasulat sa kanila ang mga ginagawa ng guro at napag-alaman na binabayaran sila kapalit ng sexual favor kung saan ang halik sa lips ay may bayad na P30, P60 naman kung may anal penetration na sinasabing ginagawa sa loob ng banyo ng kanilang silid-aralan.

Kasunod ng pagkadiskubre ay ipinatawag ng principal ang mga estudyante at kanilang mga magulang para sa counselling at kinausap din nito si Labtic.

Sinampahan na ng administrative complaint si Labtic sa Department of Education (DepEd) Division of Bacolod City si Labtic at noong Pebrero 15 ay inilabas ang order na pinapaalis muna ito sa nasabing eskuwelahan.

Samantala hinimok din ni Canja ang mga magulang ng mga bata na sampahan din ng kasong kriminal si Labtic.