-- Advertisements --

Naitala ng isang 45-anyos na guro na si Tsang Yin Hung mula sa Hong Kong ang pinakamabalis na babaeng nakaakyat ng Mount Everest.

Naabot nito ang pinakamataas na bundok sa buong mundo mula base camp sa loob ng 25 oras at 50 minuto.

Mas mabilis ito ng 12 oras na nagawa ng Nepalese climber noong 2017.

Sinabi nito na kakaibang ginhawa ang kaniyang naramdaman ng maabot ang tutok ng bundok.

Wala aniya sa isip na mabasag ang record dahil nais lamang niyang hamunin ang sarili.

Isa lamang si Tsang sa tatlong climbers na nakapagtala ng bagong record sa pag-akyat sa Mount Everest.

Noong nakaraang Linggo ay naitala ng 75-anyos na si Arthur Muir ang pinakamatandang American na nakaakyat sa bundok habang ang 46-anyos na si Zhang Hong ng China ang unang bulag mula sa Asya na nakaakyat ng bundok.

Magugunitang binuksan ng gobyerno ng Nepal ang Mount Everest noong Abril matapos na isara ito noong nakaraang taon dahil sa COVID-19 pandemic.