-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Naaresto na ng mga pulis ang isang public school teacher na sinampahan sa korte ng kasong rape.

Hindi na pinangalanan pa ang 28-anyos na guro, binata at residente ng Echague, Isabela.

Nadakip siya ng mga miyembro ng Echague Police Station sa pamumuno ng kanilang hepe na si P/Major Andy Orilla.

Ito ay sa bisa ng mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Bonifacio Ong, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 24 sa Echague, dahil sa kasong rape by sexual assault.

Nagrekomenda naman ang korte ng P120,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na dinala sa Echague Police Station para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin.