-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Paris sa pamumugot sa ulo ng isang guro.

Mula sa Conflans-Sainte-Honorine ang guro kung saan ito ay inatake ng suspek malapit sa paaralan kung saan nagtatrabaho ang biktima.

Napatay naman ng mga rumespondeng kapulisan ang nasabing suspek.

Sinabi ni Interior Minister Gerald Darmanin, na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga anti-terrorist prosecutors.