-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa naganap na karumal-dumal na kremin sa may Vasquez Street, Barangay Washington, Surigao City kahapon ng umaga kungsaan napatay ang isang guro habang sugatan naman ang dalawang minor-de-edad na anak nito.

Nakilala ang suspeka na si Joseph Condolon Gemari, may-asawa, residente sa Barangay Consolacion, Dapa, Surigao Del Norte at pinatira lamang sa bahay ng guro kasam ang kaniyang anak.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nabulabog ang mga residente sa nasabing lugar matapos lumabas sa bahay na may dugo ang 5-anyos at 9-anyos na mga bata na daling dinala sa ospital at nasa ligtas na ang kalagayan. Sa pagresponde ng pulisya, natagpuan na lamang na wala nang buhay sa loob ng bahay ang ina ng mga bata na si Clarence May Besario Sulima, 38-anyos, may-asawa, at nagtuturo sa Surigao City Pilot School.

Nabalot ito sa sariling dugo matapos nagtamo ng mga saksak sa katawan pati na ang sugat sa leeg.

Sa kuha ng CCTV Camera, daling lumabas ang suspek kasama ang kaniyang anak na lalaki pasado alas 6:11 ng umaga. Naaresto ito sa bayan ng Dapa, Surigao Del Norte at nabawi ang iilang mga gamit sa biktima.

Napag-alaman na ang suspek ay brother-in-law sa kaibigan ng biktima na pinatuloy pansamantala sa bahay ng guro.