-- Advertisements --

Inaresto ng pulisya ang lalaking nanaksak ng Guro sa loob mismo ng eskuwelahan sa Las Piñas na napag-alamang asawa ng suspek.

Nangyari ang krimen alas 8:35 ng umaga sa loob ng Lydia Aguilar National High School sa Barangay Almanza Dos, Las Piñas City.

Ayon sa kay Police Col. Sandro Tapalia ang hepe ng Las Piñas City Pulis sinamantala nang 38 taong gulang na suspek na armado ng patalim habang abala ang duty guard sa paaralan at itoy pumunta sa faculty office at doon ay ‘walang sabi-sabing pinagsasaksak na lang ang 51 anyos na biktima

Naisugod pa aniya ang biktima sa ospital pero agad ring dineklarang ‘dead on arrival’ dahil sa tinamong 37 tama ng saksak.

Agad namang naaresto ang suspek na hinihinalang hiwalay narin sa biktima

Inaalam pa ang iba pang motibo sa krimen habang inihahanda naman ang pagsasampa ng kasong parricide ng Las Piñas City pulis