-- Advertisements --
Niyanig ng malakas na lindol ang Myanmar nitong araw lamang.
May lakas na 7.7 magnitude at tumama sa hilagang Myanmar, na naramdaman hanggang Bangkok, Thailand.
Sa distrito ng Chatuchak, bumagsak ang isang mataas na gusaling itinatayo pa lamang.
Nagdulot ito ng takot sa mga tao kaya nagtakbohan ang mga ito palabas ng mga istraktura.
Wala pa namang opisyal na ulat ukol sa mga nasawi, nasugatan at laki ng pinsala.