BUTUAN CITY – Sinusuri na ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur ang danyos ng kanilang municipal gym na nasira sa malakas na lindol kamakailan.
Napag-alamang dahil sa lakas ng lindol ay natanggal ang mga PVC pipes nito pati na ang kisame at sira din ang iilang divisions ng ginawang kwarto.
Ang naturang gym ay nai-convert na quarantine facility nitong nakalipas na mga buwan para sa mga locally stranded individuals (LSIs) at mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na umuwi nitong nakalipas na mga buwan at doon sila na-quarantine sa loob ng 14 na mga araw.
Nang ma-ubos na ang mga na-quarantine na indibidwal ay kaagad naman itong dinis-infect.
Muli sana itong gagamiting quarantine facility nitong Lunes ngunit hindi na natuloy matapos masira bunsod ng malakas na lindol.