-- Advertisements --

Nakakuha na rin ng spot sa 2020 Tokyo Olympics ang gymnast na si Carlos Yulo.

Ito’y matapos na umusad si Yulo sa finals ng all-around at floor exercise sa 2019 World Artistic Gymnastics Championships sa Stuttgart, Germany.

Inokupahan ni Yulo ang 18th place sa sa all-around, habang 7th naman sa floor exercise.

Ayon kay Philippine gymnastics chief Cynthia Carrion, maganda raw ang ipinakita ng Pinoy gymnast, na nagpahanga raw sa mga manonood.

Nagpaabot na rin ng pagbati ang Philippine Sports Commission sa tagumpay na ito ni Yulo.

Bago si Yulo, una nang nakapasa sa Olympic qualifying standard ng pole vault ang atletang si EJ Obiena sa isang athletics meet sa Italy noong Setyembre.