-- Advertisements --

Patay ang isang gymnast ng Czech Republic matapos na mahulog sa bundok dahil sa nais nitong mag-selfie.

Ang 23-anyos na si Natalie Stichova ay umakyat sa Tegelberg Mountain sa Bavaria, Germany kasama ang nobyo at dalawang kaibigan nito.

Makikita sa nasabing lugar ang sikat na Neuschwanstein Castle na inspirasyon sa palasyo ni Aurora sa animated film na Sleeping Beauty.

Dahil sa kagustuhan ni Stichova na makakuha ng magandang anggulo ay nag-pose ito subalit nadulas siya.

Nahulog siya sa bangi na may taas na 80 metro.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na nakayanan nito ang pinsalang natamo sa katawan.