Tinanggal na ng Japan sa listahan na makasali sa Paris Olympics ang kanilang gymnast na si Shoko Miyata matapos na maaktuhang nagsisigarilyo at umiinom ng alak.
Ang 19-anyos na siyang tumatayong women’s gymnastics team ng Japan para Paris Olympics ay agad na pinauwi mula sa kanilang training camp sa Monaco.
Inamin nito na kaniyang nilabag ang kanilang code of conduct.
Ayon kay apan Gymnastics Association (JGA) secretary general Kenji Nishimura, sumailalim sa masusing pag-aaral at pulong sa lahat ng panig bago sila naglabas ng desisyon na tanggalin na si Miyata sa paglahok sa Olympics.
Dagdag pa ni Nishimura na may nagparating sa kanilang impormasyon na nakita nila si Miyata na nagsisigarilyo sa isang pribadong lugar sa Tokyo noong Hunyo at uminom pa ng alak sa isang kuwarto sa national training center sa Japan.