-- Advertisements --

Bubuksan na ng England ang mga leisure facilities at mga beauty services.

Ayon kay Culture Secretary Oliver Dowden, nais nila ang mga tao na mag-ehersisyo para lumakas ang mga resistensiya at malayong madapuan ng coronavirus.

Kabilang na bubuksan ang mga swimming pools, gyms, nail bars at tattoo shops ganon din ang team sports gaya ng cricket.

Ang outdoor performances ay isasagawa pero sa limitadong audiences lamang.

Paliwanag nito na mahalaga ang pagbubukas ng nasabing mga pasilidad para sila ay makabangon na mula noong ipatupad ang lockdown noong Marso.

Nauna rito nagtala ng panibagong 85 na kaso ng coronavirus sa bansa na nagdadala sa halos 45,000 na ang kaso.