-- Advertisements --
Nilinaw ng Pagasa na walang umiiral na bagyo ngayong araw sa alinmang parte ng ating bansa.
Sa kabila ito ng nararanasang pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng bansa, kasama na ang Northern at Central Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, habagat lamang ang nagdadala ng ulan sa bansa at posibleng magtagal pa ito hanggang sa mga susunod na araw.
Kanina ay nagpalabas ang Pagasa ng general flood advisory sa Region 1 (Ilocos Region), Region 3 (Central Luzon) at CAR (Cordillera Administrative Region).
Samantala, isang low pressure area (LPA) ang mino-monitor ng weather bureau na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa araw ng Miyerkules.
Malaki umano ang tyansa nito na maging bagong bagyo.