-- Advertisements --
Bahagya nang humupa ang habagat na nagdadala ng ulan sa malaking parte ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, humina na ang paghatak iral southwest monsoon dahil wala nang aktibong weather system na nakakahatak dito.
Gayunman, paghandaan daw ang isolated rains at localized thunderstorm.
Bukas, asahan naman ang paglapit ng isang namumuong sama ng panahon mula sa silangan ng Pilipinas.
Malaki kasi ang tyansa nitong maging bagong bagyo at bibigyan ng local name na “Marilyn.”