Asahan umano ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Linggo.
Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services), ito’y dahil sa southwest monsoon or “habagat†na siyang magdudulot ng mga pag-ulan partikular sa Luzon.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Gener Quitlong, ang mga scattered rain showers at thunderstorms ay mararanasan ng Ilocos at Cordillera Administrative Region, gayundin sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), at mga probinsya ng Zambales at Bataan sa Central Luzon.
Mayroon namang maulap na panahon na may localized thunderstorms ngayong maghapon sa iba pang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Samantala, ang Davao region sa Mindanao ay maaapektuhan ng Intertropical Convergence Zone o ang hanging nagsasalubong na may magkakaibang temperatura.
Sa kabila ng pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, wala pa naman daw namataan ang PAGASA na ano mang sama ng panahon sa Philippine area of responsibility.