-- Advertisements --

Magpapaulan ang umiiral na hanging Habagat sa Southern Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol Region, Marinduque, Romblon, Northern Samar, Western Visayas, Palawan, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Magiging maulap naman na may isolated rainshowers at thunderstorms ang Kalakhang Maynila, gayundin sa nalalabing bahagi ng Visayas.

Una nang humina at naging low pressure area na lamang ang Tropical Depression Marilyn kasabay ng paglabas nito sa Philippine Area of Responsibility.