-- Advertisements --

Patuloy na makakaapekto ang umiiral na Southwest Monsoon o Habagat sa mga rehiyon ng Northern at Central Luzon.

Ayon sa Pagasa, magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa Zambales, Bataan, Palawan, at Mindoro provinces.

Nagbabala rin ang weather bureau na maaaring makaranas ng flash floods o landslide sa nasabing mga lugar dahil sa pulo-pulong mga pag-ulan na may kasamang pagkidlat-pagkulog.

Habang sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan.

Subalit pagdating ng hapon ay maaaring magkaroon ng localized thunderstorms.