-- Advertisements --

(Update) Asahan na magiging maulan ang maghapon ngayong araw ng Linggo, Agosto 2, dahil sa southwest monsoon o habagat.

Base sa 4 A.M live weather update ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administratio), ang habagat ay pinalalakas ng Bagyong Dindo, na sa ngayon ay nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR), gayundin ang Tropical Storm Sinlaku na nasa labas na ng landmass ng bansa.

Ayon sa weather specialist na si Samuel Duran, hinahatak ng dalawang bagyo ang habagat na halos siyang nagbibigay ng pag-ulan sa buong Luzon at kanlurang bahagi ng Kabisayaan.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil naman sa easterlies.

Base sa monitoring ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong Dindo sa layong 425 kilometers east-northeast ng Basco, Batanes.

Ang naturang bagyo ay may lakas ng hangin na 65 kilometers per hour, at pagbugso na aabot naman ng hanggang 80 kilometers per hour.