-- Advertisements --

Magpapatuloy pa ang mga pag-ulan ngayong araw sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa habagat.

Ayon kay Ezra Bulquerin ng PAGASA, pinaiigting ito ng low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 115 kilometro sa kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.

Habang inaasahan namang papasok bukas sa karagatang sakop ng Pilipinas ang isa pang namumuong sama ng panahon.

Maaari umano itong maging bagyo at tatawaging tropical depression Marilyn.