-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa sa panunumbalik ng ulang dala ng habagat dahil sa paglakas ng low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Bicol region.
Ayon sa weather bureau, mas titindi ang paghila nito sa southwest monsoon kapag naging ganap na bagyo sa mga susunod na araw.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,025 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Kabilang sa mga maaapektuhan ng malakas na ulan ang Visayas, Bicol region, Quezon, Marinduque, Romblon, Dinagat, Surigao at iba pang bahagi ng ating bansa.