-- Advertisements --
Sa katapusan pa ng Mayo o sa kalagitnaan ng Hunyo mararamdaman ang epekto ng southwest monsoon o habagat.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Ezra Bulquerin, na ito ang kanilang nakikitang pagsisimula ng habagat.
Dagdag pa nito na walang anumang sama ng panaho na nararamdaman o nagbabanta sa bansa hanggang sa susunod na limang araw.
Normal lamang aniya na makaramdam ng pag-ulan at malakas na pagkidlat tuwing hapon at gabi.