-- Advertisements --
Nagtapos na ang panahon ng Southwest Monsoon o Habagat season.
Ayon sa PAGASA, na sa loob ng ilang araw ay nakita nila ang paghina ng Habagat.
Isa sa mga senyales na nakita nila ay ang paglakas ng high pressure system sa East Asia na siyang naging dahilan ng pagpalit ng weather pattern sa bansa.
Inaasahan na sa mga susunod na araw ay makakapasok na ang Amihan season.
Kapag nagsimula na ang panahon ng Amihan o ang Northeast Monsson ay makakaranas ng malamig na panahon sa mga susunod na buwan.