-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Habal-habal driver sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ebra Kanda na residente ng Barangay Kibayao Carmen Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na naghihintay lamang ng pasahero ang biktima sa public market sa bayan ng Carmen ng itoy pagbabarilin ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa ulo habang dalawa rin ang nasugatan na tinamaan ng mga ligaw na bala na agad dinala sa pagamutan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa naturang pangyayari.