-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang habal-habal driver sa pamamaril sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Aljie Mangelen, may asawa at residente ng Barangay Liit, Lambayong Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office na binaril umano ang biktima ng kanyang pasahero sa bahagi ng Purok Linglingay Brgy Poblacion Lambayong Sultan Kudarat.

Patay on the spot si Mangelen nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan habang nakaligtas naman ang isang pasahero na si Josephine Linga.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.

Rido o personal na atraso ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.