-- Advertisements --

Napakalaking sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic.

Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff.

Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video coordinators, security staffers, player development staff, analytics at maraming iba pa.

Sinasabing ang mga ito ay mahirap daw palitan.

Hindi raw katulad sa mga players na pwedeng palitan sa pamamagitan ng pagkuha ng reinforcements mula sa G-League.

Sa ngayon mahigit na rin sa 300 mga players ang isinailalim din ng liga sa quarantine.