-- Advertisements --

Humihingi ng $70 milyon na halaga ng bitcoin ang mga hackers kapalit ng data na ninakaw nila mula US IT company na Kaseya.

Apektado dito ang mahigit 1,000 kumpanya.

Ang Miami-based na Kaseya ay nagsu-suplay ng IT services sa may 40,000 na negosyo sa buong mundo.

Nauna ng nagbabala ang FBI na huwag magbayad ng anumang ‘ransomware’ na hinihingi ng mga hackers.