-- Advertisements --
Cyber threat Microsoft
Microsoft cyber threat

Ibinunyag ng kumpanyang Microsoft na tinatarget ng computer hackers mula sa Iran ang 2020 US presidential election.

Kasunod ito sa pag-atake rin ng mga Iran hackers ang may 200 email accounts na ang iba ay mula sa may kinalaman sa “US presidential campaign”.

Dagdag pa ng kumpanya na target ng hackers ang re-election campaign ni US president Donald Trump.

Tinawag ng kumpanay ang cyber activity threat na Phosphorus.

Nagtangka ang mga ito ng mahigit 2,700 na beses na sinasabing mula sa gobyerno ng Iran.

Nilinaw naman ng kampo ni US President Donald Trump na walang indikasyon o bakas na sila ay tinatarget.