-- Advertisements --
Ibinunyag ng computer giant company na Microsoft na target ng hackers mula sa China at Russia ang US 2020 presidential elections.
Sinasabing ang dating
Russian group na una ng nanghack noong 2016 Democratic campaign ay muling sangkot sa nasabing cyber-attacks.
Kapwa target ng mga hackers sina US President Donald Trump at katunggali nitong si Joe Biden ng Democrats.
Ayon pa sa Microsoft na ang Russian hackers mula sa Strontium group ang nagtarget na ng mahigit 200 organization na karamihan ay nauugnay sa US political parties ang Republicans at Democrats.