LONDON – Inamin ng mga kompanyang Pfizer at BioNTech na na-hack ang kanilang mga dokumento na may kinalaman sa dinevelop nilang bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa ulat ng Reuters, sinasabing napasok ng hackers ang regulator na European Medicines Agency (EMA), na responsable sa pagbibigay ng approval sa mga gamot at bakuna sa European Union.
“The agency has been subject to a cyber attack and that some documents relating to the regulatory submission for Pfizer and BioNTech’s COVID-19 vaccine candidate… had been unlawfully accessed,” ayon sa EMA.
Wala pang inilalabas na ibang detalye ang regulatory agency. Pero agad nilinaw ng Pfizer-BioNTech, na walang impormasyon mula sa participants ng kanilang ginawang clinical trial ang mako-kompromiso.
“(EMA) has assured us that the cyber attack will have no impact on the timeline for its review.”
Kamakailan nang gawaran ng British government ng emergency use authorization ang bakunang dinevelop ng dalawang kompanya.
Nitong Lunes nang magsimula ang COVID-19 vaccination ng Britany sa mga residente nito gamit ang bakuna ng Pfizer at BioNTech.(Reuters)