-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang isang suspek matapos manlaban sa mga pulis na napatunayang siya ang tumaga sa ulo ng biktima na kinilalang si Joel Avila, 58 anyos, magsasaka, at residente ng Purok 5, Brgy. Bukal, Nabunturan, Davao de Oro kung saan nangyari ang krimen.

Kinumpirma ng mga miyembro ng Municipal Police station na may kapansanan sa pag-iisip ang suspek na kinilalang si Jovanie Pedere, nasa hustong gulang, magsasaka, residente ng Purok 14, Camanlangan, New Bataan, Davao de Oro.

Sa ulat ng pulisya, inaresto ang suspek matapos na mag-ulat sa kanilang himpilan ang anak ng biktima na may nangyaring hacking at may napag-alaman na may bitbit na sako ang suspek na may laman sa ulo ng biktima.

Dahil sa insidente, mabilis na natukoy ang lokasyon ng suspek ngunit napaulat na nanlaban ito na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Samantala, nasa kanilang pamilya na ang mga labi ng biktima at suspeka at sa ngayon, patuloy na ang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.